Monday, June 21, 2010

jokes1

ANAK : ‘Nay, ayaw ko pong pumasok!
NANAY : Bakit?
ANAK : Masama po ang pakiramdam ko!
NANAY : Saan?
ANAK : Sa School!

********************

PILO: Pare, ano kaya ang nangyayari sa akin? Kasi, kapag kumakain ako, pakiramdam ko, isa akong ibon. Kapag nagtatrabaho ako, pakiramdam ko, isa akong kabayo. At ‘pag napapagod ako, pakiramdam ko, isa akong aso.
HUGO: Naku, masama ‘yan, pare! Kumunsulta ka na sa beterinaryo?!

*******************

Noong birthday ni Miss Calibre, elementary school teacher na soltera, niregaluhan siya ng ilan niyang estudyante.

Pumpon ng bulaklak ang handog sa kanya ni Mariflor, anak ng may-ari ng flower shop.
Isang kahon ng chocolate ang bigay ni Candice, anak ng may-ari ng candy shop.
May dala ring regalo si Michael, anak ng may-ari ng liquor shop.
Mabigat ang kahon na dala ni Michael.
May tumulo at basa ito.
“Alak ba ito?” napangiting sambit ni Miss Calibre, sabay tikim sa tumulo.
“Hindi po!” bulalas ni Michael.
Tinikman muli ni Miss Calibre ang tumulo, “Ow? Parang champagne, eh!”
“Hindi po!” sabi uli ni Michael.
“Eh ano ‘to?!” napakunot-noong sambit ni Miss Calibre, na tinikman uli ang tumulo.
Sagot ni Michael, “Tuta po!

No comments: